Ground Breaking Ceremony of the Philippine Sports Training Center

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang groundbreaking ng Philippine Sports Training Center dito sa ating Bayan ng Bagac noong Biyernes, June 17, 2022.

Tinatayang 25-ektaryang lupa sa
Brgy. Parang ang magiging tahanan ng 39 sports facilities na itatayo para sa iba’t ibang larangan ng sports tulad ng aquatics, athletics, gymnastics, weightlifting,
taekwondo, at iba pa, ayon sa Philippine Sports Commission.

Naniniwala ang Pangulong Duterte
na ang proyektong ito ay magsisilbing tahanan ng mga makabagong atletang Pinoy, kung saan ang magiging pagsasanay nila dito ay magiging daan para sa pag-unlad nila bilang world class athletes.

Walang ibang hangad ang LGU ng Bagac kundi ang suportahan ang kinabukasan ng mga atletang magiging bahagi nito. Kaya naman buo ang pag-alalay ng ating bayan sa programang pampalakasan na ibinaba ng ating minamahal na Pangulong Duterte. Dito ay kaisa tayo ng bawat Pilipino sa pagpapalakas ng ating mga kababayan sa larangan ng isports.

Maraming salamat po at mabuhay ka Pangulong Duterte!
Kasama mo ang lahat ng mga Bagakenyos tungo sa pag-unlad ng bawat Pilipino.