COVID-19 Update September 09, 2021

Magandang Araw, Bagakenyos!
Amin pong ipinababatid na mayroong LABING ISA (11) na panibagong kaso ng Covid-19 na naitala sa ating bayan mula sa mga sumailalim sa swab test kahapon, September 8, 2021.
Sa kasalukuyan ay LIMAMPU’T LIMA (55) ang AKTIBONG BILANG ng positibo sa COVID-19 sa bayan ng Bagac ngayon, September 9, 2021.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa:
• Bagumbayan- 3
• Binukawan- 1
• Ibaba- 2
• Parang- 2
• Saysain- 2
• Tabing Ilog- 1
TATLUMPUT WALO (38) naman ang nadagdag sa bilang ng mga naka recover:
• Atilano Ricardo- 1
• Bagumbayan- 4
• Banawang- 3
• Binuangan- 1
• Binukawan- 1
• Ibaba- 11
• Pag-asa- 1
• Parang- 10
• Saysain- 5
• Tabing Ilog- 1
Ang kabuuang bilang ng mga nakarecover ay limang daan at labing tatlo (513) at dalawampu’t pito (27) naman ang bilang ng mga pumanaw.
Patuloy na pinapakiusapan ang lahat ng IDENTIFIED DIRECT CONTACTS na mag ISOLATE sa kani-kanilang bahay at maghintay sa araw ng swabbing na itinakda para sa kanila. HUWAG po munang lalabas.
Patuloy na pinapaalalahanan ang lahat na ugaliin ang mga sumusunod:
(1) madalas na paghuhugas ng kamay
(2) pagsusuot ng facemask at face shield sa pampublikong lugar
(3) pagsunod sa social distancing na dalawang (2) metro sa lahat ng oras
(4) pagiwas sa maraming tao
(5) pag disinfect ng mga bagay na madalas hawakan (6) pagiwas sa paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan
HUWAG po nating gawing biro at ipagwalang bahala ang Covid 19 dahil naranasan na po natin ang pagdami at pagkalat nito. At hindi po lingid sa ating kaalaman na nakapasok na po ang mas delikadong Delta variant sa ating lalawigan. PATULOY tayong MAGING RESPONSABLE at DISIPLINADO upang magtuloy-tuloy na po ang pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo dito sa ating bayan. INGATAN po natin ang ating mga sarili at kapamilya.
Sama-sama po tayong manalangin para sa kalusugan at kaligtasan ng ating bayan. At dalangin ng pasasalamat dahil Hindi nya tayo pinababayaan.
Maraming salamat!
God bless us, Bagakenyos!