DOT, bumisita sa Las Casas Filipinas de Acuzar

Sa muling pagbangon at pagpapasigla sa industriya ng turismo sa ating Lalawigan, binisita ng mga kawani ng Department of Tourism (DOT) ang ilan sa mga ipinagmamalaking pasyalan o tourism sites sa ating Lalawigan gaya ng Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat sa Pilar, Las Casas Filipinas de Acuzar, at La Jolla Beach Resort sa Bagac.

Kaugnay nito, nagsagawa din sila ng inspeksyon sa mga nasabing tourism sites upang maging bahagi ng isang Intra-Regional Tourism Belt sa ilalim ng programang Soul Circuit: Manila-Corregidor-Bataan. Sa pamamagitan ng programang ito ay mas lalo nating maitataguyod ang turismo sa ating Lalawigan at mas mapalalawak natin ang pang-unawa ng mga turista, lalo na ang mga kabataan, tungkol sa mayamang kasaysayan at kultura ng Bataan.

Dalangin ko na sa nalalapit na panahon ay unti-unti na tayong makabalik sa nakasanayan nating pamumuhay kung saan walang takot at pangamba sa kalusugan ang pumipigil sa atin upang bisitahin ang magagandang lugar hindi lamang dito sa ating Lalawigan kung hindi maging sa ibang bahagi ng bansa.